ISI

TAGALOG

Tinutulungan ka naming makipag-ugnayan. Anuman ang wika o industriya, bansa o tagapamagitan. Naghahatid kami ng mga tumpak na pagsasalin at karanasang nagbibigay-kahulugan na sumasalamin sa pangkulturang pang-unawa, teknikal na kadalubhasaan at pagkakaiba-iba sa wika.

Nagbibigay-daan ang ISI sa matagumpay na pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga solution sa ganap na serbisyo sa wika at localization, kabilang ang:

Itinatag noong 1982, kilala ang ISI sa buong mundo sa pagsasama ng pinakabagong teknolohiya sa kadalubhasaan ng tao sa bawat yugto – mula sa pamamahala ng proyekto hanggang sa pagsasalin, pag-e-edit, pamamahala sa translation memory at terminolohiya, desktop publishing, proofreading at pagsusuri – upang paganahin ang matagumpay na pakikipag-ugnayan sa higit pa sa 100 wika. Mayroon kaming pandaigdigang koponan ng mga linguist na malalim ang kaalaman sa mga pangkultura at pangteknikal na pagkakaiba-iba ng halos bawat isang wikang ginagamit sa negosyo.

Nagsisilbi ang ISI sa isang malawak na hanay ng mga industriya at samahan. Ang aming mga kliyente ay ang ilan sa mga pinakamalalaking serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan, mga agham ng buhay, parmasya at pananalapi sa buong mundo. Nagsisilbi rin kami sa mga kumpanyang may mga specialty na kasing sari-sari ng software, mga tool sa construction, scuba diving, pagbibigay-lakas sa kababaihan, marangyang uri ng pamumuhay, mga produktong pang-consumer at marami pang iba.

Masidhi ang aming pagtuon sa wika at kultura. At nais naming ibahagi ang damdaming ito sa iyo.